COVID-19 positivity rate ng bansa, umakyat na sa 16.7%; Pilipinas, nananatili pa rin sa low risk classification!

Umakyat na sa 16.7 percent ang weekly positivity rate ng COVID-19 sa Pilipinas.

Pero, ayon kay Department of Health (DOH) officer-in-charge (OIC) Maria Rosario Vergeire na nananatili pa rin sa low-risk classification ang bansa.

Sinabi ni Vergeire na nakapagtala ang bansa ng average daily attack rate o ADAR na 2.9 cases kada 100,000 populasyon.


Kinumpirma rin ni Vergeire na nasa moderate risk classification pa rin naman ang National Capital Region (NCR) na may ADAR na 8.16% kada 100,000 populasyon.

Dagdag pa ni Vergeire, siyam na rehiyon sa bansa kabilang ang Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas at Davao Region ay nakapagtala ng ADAR mula 1 hanggang 1.26 kada 100,000 populasyon.

Samantala, aabot na sa 71.7 milyong Pilipino na ang nabakunahan laban sa COVID-19, kabilang ang 9.7 milyong kabataan, 4.1 milyong bata at 6.8 milyong senior citizen.

Mahigit 16.2 milyong indibidwal na rin ang nakapagturok ng unang booster shot, habang 1.3 milyon ang nakatanggap ng kanilang pangalawang booster shot.

Facebook Comments