COVID-19 positivity rate sa bansa, sumipa sa 8.8%

Umakyat pa sa 8.8 percent ang COVID-19 positivity rate sa bansa o ang bilang ng mga nagpopositibo sa virus.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, nasa 8.4% na rin ang positivity rate sa Metro Manila habang nakitaan din ng pagtaas ng kaso ang ilang lugar sa bansa gaya ng Cebu.

Bagama’t hindi pa nakaalarma ay hindi rin aniya dapat magpakakampante ang publiko.


Kaugnay nito, hinikayat ng health expert ang mga senior citizen at may comorbidities na patuloy na magsuot ng face mask at magpa-booster shot.

Kahapon, April 20, nakapagtala ang Department of Health ng 530 na bagong kaso ng COVID-19 habang isa ang naitalang nasawi sa NCR.

Gayunpaman, 1,441 ang gumaling sa sakit kaya bumaba sa 7,340 ang active cases.

Binabantayan naman ng doh ang bagong COVID-19 variant na Arcturus na dahilan ng COVID-19 surge sa India.

Facebook Comments