COVID-19 positivity rate sa ilang probinsiya sa Visayas at Mindanao, tumaas ayon sa OCTA Research

Tumaas ang COVID-19 weekly positivity rate sa ilang probinsya sa Visayas at Mindanao.

Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research, ang Aklan ang nakapagtala ng pinakamataas na positivity rate na umabot sa 66.7% nitong December 30.

Samantala, kabilang sa mga probinsya na may mataas na pagsirit ng positivity rate ang Agusan del Norte na umabot sa 40.8% mula sa 30.4% noong December 23.


Gayundin ang Cebu na umabot sa 28% mula sa 21.2% at Misamis Oriental na tumaas ng 26.8% mula sa 19.3%

Samantala, umabot naman sa 20.1% ang naitalang positivity rate sa nakalipas na linggo sa buong bansa.

Ayon sa Department of Health (DOH), umabot sa 623 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 kahapon kung saan 8 ang nadagdag sa mga nasawi habang 285 ang mga bagong nakarekober.

Facebook Comments