Patuloy na bumababa ang positivity rate o bilang ng nagpopositibo sa COVID-19 test sa Metro Manila.
Batay sa monitoring ng OCTA Research, bumaba pa sa 15.3 percent ang lingguhang positivity rate ng COVID-19 sa Metro Manila na naitala nitong August 17 mula sa 17.2 percent noong August 10, 2022.
Pero sinabi ni OCTA Research fellow Guido David na kahit pababa ang positivity rate sa National Capital Region, tatlong beses na mataas pa rin ito sa itinakdang 5% benchmark ng World Health Organization.
Samantala, nasa 1.01 naman ang naitalang reproduction number o bilang ng nahahawa ng virus nitong August 14 habang tumaas naman ang Healthcare utilization rate na mula sa dating 36% ay umakyat na sa 40% .
Sa ngayon ay nananatili sa moderate risk classification ng COVID-19 ang Metro Manila.