Patuloy pa ang pagbaba ng COVID-19 positivity rate ng ilang lugar sa bansa.
Sa datos na ibinahagi ng OCTA Research Group Fellow Dr. Guido David, nasa 11.6% na lamang ang seven-day positivity rate sa Metro Manila nitong June 10, mas mababa sa 16.7% noong June 3.
Habang naitala rin ang mababang positivity rate sa Batangas, Benguet, Bulacan, Cavite, Laguna, Palawan, Pangasinan, Rizal, Zambales, Agusan del Norte, Cebu, Davao del Sur, Iloilo, Leyte, Misamis Oriental, at Zamboanga del Sur.
Samantala, sumirit pa lalo sa 54.3% ang positivity rate sa lalawigan ng Aklan mula sa 50% na naitala noong nakaraang linggo.
Nananatili ring mataas ang positivity rate sa Bataan, Cagayan, Camarines Sur, Isabela, Oriental Mindoro, Pampanga, Quezon at Tarlac.
Facebook Comments