Pumalo na sa 12.6 percent ang positivity rate o antas ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, mas mataas ito kumpara sa naitalang 10.9% noong Hulyo 9.
Gaynpaman, nakikita ng OCTA na bababa ngayong linggo o sa susunod na linggo ang nararanasang wave ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila na dulot ng Omicron subvariant.
Samantala, pumalo na rin sa mahigit dalawampung porsyento ang COVID-19 positivity rate sa lalawigan ng Aklan, Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija, at Laguna.
Facebook Comments