COVID-19 positivity rate sa NCR, bahagyang tumaas – DOH

Naobserbahan ng Department of Health (DOH) ang bahagyang pagtaas ng positivity rate ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mula sa dating 4.9 percent o less than 1 nasa 1.3 ang ating weekly positivity rate.

Gayunman, kailangan pa aniya nilang i-monitor ng isang linggo kung mapapanatili ang pagtaas ng positivity rate ng COVID-19 sa Pilipinas.


Aminado naman si Health Secretary Francisco Duque III na bumaba ang testing output sa COVID-19 dahil sa mga laboratoryong sarado ngayong holiday.

Sa ngayon kasi aniya ay bumaba sa 26,356 tests kada araw ang demand ng testing output.

Facebook Comments