COVID-19 positivity rate sa NCR, bumaba – OCTA

Bahagyang bumaba ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, nasa 17.3% na lamang ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 test nitong October 10 na mas mababa sa 19% na naitala noong October 3.

Bukod dito, bumaba rin ang reproduction number o ang hawaan ng virus sa NCR sa 0.93 mula sa 0.99 noong October 6.


Nasa -16% naman ang one-week growth rate sa rehiyon habang 37% ang healthcare utilization rate.

“Let’s hope the downward trend continues the rest of the year,” tweet ni David.

Facebook Comments