Lalo pang bumaba ang seven-day positivity rate sa National Capital Region.
Batay sa datos na ibinahagi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David, mula sa 5.8% noong January 7 ay bumaba na sa 3.7% ang porsiyento ng mga taong nagpopositibo sa COVID-19 mula sa kabuuang bilang ng mga sumalang sa test noong January 14.
Itinuturing na rin na “low” ang positivity rates sa 10 pang probinsya sa Luzon kabilang ang Ilocos Norte, Benguet, Cagayan, Bulacan, Pampanga, Pangasinan, Zambales, Batangas, Laguna at Cavite.
Habang sumirit sa 50.2% ang positivity rate sa probinsya ng Isabela mula sa 35.1% noong nakaraang linggo.
Facebook Comments