Bumaba pa ang COVID-19 positivity rate o bilang ng mga nagpositibo sa National Capital Region (NCR) sa nakalipas na isang linggo.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, bumaba pa sa 2.4 porsyento ang positivity rate sa NCR noong Enero 21 mula sa 3.7 porsyento na naitala noong Enero 14, 2023.
Mas mababa na rin sa limang porsyento ang positivity rate sa Albay, Bataan, Benguet, Bulacan, Cavite, Ilocos Norte, La Union, Laguna, Pangasinan, Nueva Ecija at Quezon.
Habang bahagya namang tumaas ang positivity rate sa Batangas, Cagayan, Pampanga, at Zambales.
Facebook Comments