COVID-19 positivity rate sa NCR, bumaba pa sa 2.9%

Bumaba na sa 2.9% ang positivity rate o ang porsiyento ng mga nagpopositibo sa COVID-19 testing sa National Capital Region nitong January 18.

Mula ito sa 4.7% na naitala noong January 11.

Pero batay rin sa datos ng OCTA Research Group, sa kada 100,000 populasyon ay nasa 38 na lamang ang sumasalang sa COVID-19 testing sa NCR kada araw na pinakamababa simula noong 2020.


Nananatili namang “low” ang hospital occupancy sa rehiyon na nasa 24% gayundin ang ICU occupancy na nasa 19%.

“Wala tayong nakitang pagtaas sa cases o ng positivity rate at ng hospitalization. So patuloy na bumababa. Sa ibang mga probinsya rin ay mababa na rin ang positivity rate,” ani David sa interview ng RMN DZXL 558.

Samantala, patuloy na mino-monitor ng OCTA kung magkakaroon ng panibagong variant ng Omicron sa bansa kasunod ng nangyaring surge kamakailan sa China.

“Maganda yung nakikita nating outlook. Tapos, nagkaroon ng recent search sa China. Titingnan natin kung magkakaroon ito ng epekto sa atin kasi minsan kapag nagkaka-surge, nakakaluto ito ng mga bagong variant e. Wala pa naman tayong namo-monitor na bagong variant galing China. Meron ‘yung XBB 1.5 sa US. Mino-monitor natin ito,” saad pa ni David.

Ayon pa kay Guido, kahit pawala na ang COVID-19 ay kinakailangan pa rin nating mag-ingat mula sa posibleng long-term effect ng virus.

“Kailangan pa rin nating mag-ingat kahit pawala na ang COVID kasi meron siyang long-term effect e. Yung iba sinasabi may brain fog, may fatigue. Even sa US nagiging big factor yan. So, hindi pa ito well understood, pinag-aaralan pa rin ito,” dagdag niya.

Facebook Comments