COVID-19 positivity rate sa NCR, umakyat na sa 40%.

Lalo pang umakyat ngayon ang positivity rate o dami ng mga nagpo-positibo sa COVID-19 sa National Capital Region.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David na mula sa 34% ay pumalo na ngayon sa 40% ang positivity rate sa Metro Manila.

Dahil dito, ngayong araw ay posible aniyang dumoble pa ang bagong kaso ng COVID-19 na papalo sa 8,000 hanggang 12,000.


Nakikita rin ni David na ang mabilis na pagtaas ng COVID-19 infections sa bansa ay isang indikasyon o senyales na kumakalat na ang Omicron variant.

Dahil sa pagtaas ng kaso, umakyat na sa 29% ang hospital occupancy rate sa NCR mula sa dating 17% noong December 26.

Facebook Comments