COVID-19 positivity rate sa Pilipinas, tumaas pa sa 13.5%

Tumaas na naman ang COVID-19 positivity rate sa bansa o ang porsiyento ng mga nagpopositibo sa COVID-19 tests.

Ayon sa monitoring ng OCTA Research Group, tumaas sa 13.5 percent ang nationwide positivity rate.

Ito ay makaraang makapagtala ang Department of Health ng 781 na bagong kaso ng COVID-19 kahapon na mas mataas sa 506 na naitala noong Miyerkules.


Samantala, tumalon din sa 13.4 percent ang seven-day positivity rate sa Metro Manila noong April 26 mula sa 8.4 percent noong April 19.

Sabi ni OCTA Reseach fellow Dr. Guido David, posibleng tumaas pa ito hanggang 20 percent.

Asahan na aniyang papalo sa 900 hanggang 1,100 ang maitatalang bagong kaso ng COVID-19 ngayong Biyernes.

Facebook Comments