COVID-19 positivity rate sa QC, tumaas sa 28%

Patuloy na pinag-iingat ng Quezon City government ang mga residente nito sa banta ng COVID-19.

Ito ay sa gitna ng nananatiling mataas na COVID cases sa lungsod na umakyat pa sa 181 daily average cases sa ngayon.

Ayon sa OCTA Research, 37% ang itinaas ng bilang ng bagong kaso ng COVID-19 sa lungsod ngayong linggo.


Umakyat din ang positivity rate sa lungsod sa 28% mula sa dating 23.5%.

Sa kabila nito, bahagyang bumaba naman sa 1.54 ang reproduction number o bilis ng hawaan sa QC.

Nananatili rin sa low risk level ang lungsod.

Una nang nanawagan ang Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit o QCESU sa mga residente ng lungsod na agad makipag-ugnayan sa kanila kung may nararanasang anumang sintomas ng COVID-19 o naging close contact ng isang COVID patient.

Facebook Comments