COVID-19, pwedeng mabuhay ng ilang oras sa hangin at mga bagay batay sa isang pag-aaral; DOH, may paglilinaw hinggil dito

Ilang oras ring nabubuhay sa hangin at mga bagay ang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Batay ito sa naging pag-aaral ng National Institute of Allergy and Infectious Diseases (NIAID) na bahagi ng US National Institutes of Health.

Ibig sabihin, maaari pa ring maka-infect ng sinumang makalalanghap o hahawak sa bagay na nalagyan ng droplets mula sa isang tao na carrier ng virus.


Nakasaad din sa pag-aaral na tatlong oras maaaring mamalagi sa hangin ang virus na galing sa droplets ng ubo o hatsing ng isang positibo sa COVID-19.

Habang tatlong araw naman ang itinatagal nito sa mga plastic at stainless steel at apat na oras sa copper at 24 oras sa cardboard.

Gayunman, nilinaw ni kay Health Asec. Maria Rosario Vergeire na ang tinutukoy ng pag-aaral ay para lamang sa loob ng mga ospital.

Aniya, naililipat lamang ang coronavirus sa pamamagitan ng droplet transmissions at close contact sa mga taong carrier ng virus.

Facebook Comments