COVID-19 recoveries sa Pilipinas, umabot na sa 1,842

Patuloy pang nadagdagan ang bilang ng mga indibidwal na naka-rekober mula sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Sa datos ng Department of Health (DOH), nasa 1,842 na ang gumaling matapos madagdagan kahapon ng 108 na kaso.

Habang umakyat naman sa 10,610 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa sakit matapos na madagdagan ng 147.


Walo naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi na ngayon ay pumalo na sa 704.

Facebook Comments