COVID-19 recovery plan, sentro ng ika-limang SONA ng Pangulo

Tampok sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, July 27 ang COVID-19 recovery plan ng bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, sesentro ang SONA ng Pangulo sa mga epekto ng pandemya sa bansa, kung paano ito tinutugunan ng pamahalaan at kung ano-ano pang hakbang ang gagawin ng Duterte Administration upang tuluyang makabangon ang ekonomiya.

Sinabi pa ni Roque na wala namang iba pang mas malaking problema ang kinakaharap ng alinmang bansa ngayon, kung hindi ang COVID-19 pandemic.


Mismong ang Pangulo ang magdedetalye sa mga ginagawa ng kaniyang administrasyon para labanan ang virus.

Hangga’t wala pang bakuna o gamot sa COVID-19, kailangangang balansehin ang kalusugan at ang ekonomiya upang makapaghanapbuhay.

Ang dapat lang abangan sa SONA ng Pangulo sa Lunes ay ang roadmap for recovery na pinagtulung-tulungang buuin ng kanyang economic team.

Facebook Comments