COVID-19 recovery rate ng Taguig, tumataas batay sa datos ng City Epidemiology Disease and Surveillance Unit

Nasa 96.2% na ang recovery rate ng lungsod ng Taguig batay sa datos ng City Epidemiology Disease and Surveillance Unit (CEDSU).

Pahayag ng pamunuan ng CEDSU ng Taguig, sa kabila ng mga bagong kasong naitatala, patuloy ang pagtaas ng bilang ng recoveries araw-araw.

Batay sa kanilang tala, ngayong araw ay mayroong 30 bagong bilang ang naidagdag sa listahan ng recoveries sa lungsod, dahilan para umakyat ang bilang nito sa 7,763 kumpara kahapon na nasa 7,733 lang.


Sinabi rin ng naturang ahensya ng pamahalaang lungsod, mataas pa rin ang porsyento ng recoveries kumpara sa mga nasawi na dulot ng virus dahil nasa 0.74% lang ang Case Fatality Rate o CFR.

Pahayag pa ng CEDSU, ito na ang resulta o epekto nang ginagawa nilang Prevent, Detect, Isolate, Treat, at Reintegrate o PDITR strategy.

Layunin nito na makapamuhay na ng ligtas ang mga taga-Taguig at makamit ang Coronavirus-free City.

Facebook Comments