Kinumpirma ng Bureau of Jail Management and Penology na nasa 90 porsyento na ang COVID-19 recovery rate mula sa hanay ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa bansa.
Ayon kay BJMP Spokesman Jail Chief Inspector Xavier Solda, patuloy ang pagbuti ng sitwasyon sa mga jail facilities kung saan 88 na lamang ang aktibong kaso mula sa 1,987 COVID-19 cases mula nang magsimula ang pandemya.
Kasabay nito, nasa 32 na lamang ang naitalang aktibong kaso mula sa 1,017 bilang ng nagpositibong BJMP personnel.
Samantala, lumobo na sa 13,000 ang bilang ng mga health workers na tinamaan ng COVID-19.
Sa huling tala ng Department of Health (DOH), 157 sa mga ito ang nananatiling aktibong at 12,820 ang gumaling habang nasa 76 naman ang bilang ng nasawi bunsod ng COVID-19.