COVID-19 reproduction number sa Metro Manila, mas bumaba pa!

Mas bumaba pa ang bilis ng hawaan ng COVID-19 o reproduction number sa Metro Manila.

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, mula sa 0.52 na naitala kahapon ay nasa 0.47 na lang ngayon ang COVID-19 reproduction number sa National Capital Region.

Nasa 0.55 na rin ang reproduction number sa buong Pilipinas.


Dahil dito, sinabi ni David na posibleng babalik na sa mahigit isang libo ang kaso ng COVID-19 kada araw sa Metro Manila sa pagtatapos ng Oktubre.

Samantala, sinabi naman ni Department of Health Sec. Francisco Duque III na kung magtutuloy-tuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 ay maaari nang ibaba sa Alert Level 2 ang status sa Metro Manila sa Nobyembre.

Facebook Comments