COVID-19 reproduction number sa NCR, 0.84 na lang

Bumaba na sa 0.84 ang reproduction number o bilis ng hawaan ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

Sa datos na ibinahagi ni OCTA fellow Dr. Guido David, mula September 24 hanggang 30, nasa 3,711 na lamang ang naitalang average new cases ng COVID-19 na 17% na mas mababa kumpara noong nakaraang linggo.

Gayunman, nasa high risk o lampas pa rin sa 70% ang ICU occupancy rate sa Metro Manila.


Una nang pinalawig ng pamahalaan ang Alert Level 4 sa NCR mula October 1 hanggang 15.

Facebook Comments