Bumaba ang reproduction number ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).
Ang reproduction number ay ang bilang ng mga taong maaaring hawaan ng isang COVID-19 positive individual.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, bumaba sa 1.19 ang reproduction number sa NCR.
Naobserbahan din ang negatibong growth rate.
Umaasa si David na bababa pa ang reproduction number sa 1.1 sa katapusan ng linggo.
Inaasahan ding magkakaroon ng downward trend sa NCR sa susunod na linggo lalo na at patuloy na ipinapatupad ng pamahalaan ang modified enhanced community quarantine (MECQ).
Ang bagong kasong maitatala sa Metro Manila ay maaaring bumaba sa 3,000.
Facebook Comments