Bumagal ang hawaan ng COVID-19 sa Metro Manila.
As of August 31, bumaba sa 1.43 ang reproduction number sa rehiyon mula sa dating 1.56 hanggang noong August 26.
Ayon kay OCTA Research Team Fellow Dr. Guido David, posibleng bumaba pa sa 1 ang reproduction number sa NCR sa susunod na tatlong linggo.
Kahapon, bahagyang bumaba ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa na nasa 13,827 mula sa record-high na 22,366 noong Lunes.
Samantala, tiniyak ng Department of Health (DOH) na patuloy nilang ina-asistihan ang mga ospital na apaw na sa mga pasyenteng may COVID-19.
Facebook Comments