COVID-19 reproduction number sa NCR Plus 8, bumababa na

Patuloy na bumababa ang COVID-19 reproduction number sa Metro Manila at iba pang rehiyon sa NCR Plus 8.

Ayon kay OCTA Fellow Dr. Guido David, kahapon, October 2 ay bumagal pa sa 0.83 ang antas ng hawaan ng COVID-19 sa NCR mula sa 0.98 na naitala noong nakaraang linggo.

Samantala, naitala naman ang pinakamataas na reproduction number sa Davao City na nasa 0.89, sinundan ng Pampanga at Rizal na may 0.85.


Nasa 0.74 naman ang reproduction number sa Batangas; 0.70 sa Bulacan; 0.68 sa Laguna; 0.66 sa Cebu City at 0.63 sa Cavite.

Facebook Comments