COVID-19 reproduction number sa NCR, tumaas sa 1.15

Tumaas sa 1.15 ang reproduction number sa National Capital Region (NCR), indikasyon na mabilis ang hawaan ng COVID-19 sa rehiyon.

Ayon kay OCTA Research Group Fellow Prof. Guido David, dahil mas mataas sa 1.1 ang reproduction number sa NCR, nangangahulugan na nasa “high risk” na ito ng COVID-19.

Sa mga susunod na linggo, posibleng pumalo sa 10,000 ang maitalang bagong kaso ng COVID-19 sa NCR kung saan maikokonsiderang factor ang Delta variant.


Nabatid na 97% na mas nakakahawa ang Delta variant kumpara sa original strain ng COVID-19.

Sa ngayon, ayon kay David, wala pang cause of alarm pero maituturing itong major concern lalo’t isa sa mga lungsod sa Metro Manila ang nakapagtala ng 1.35 reproduction number na aniya’y “almost very high.”

Facebook Comments