Tumaas sa 1.46 ang COVID-19 reproduction number sa Pilipinas sa nakalipas na linggo.
Sa datos ng OCTA Research group, naitala sa bansa ang average na 11,000 na bagong kaso ng COVID-19 kada araw simula August 8 hanggang 14.
Babala ng grupo, tataas pa ang naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa susunod na linggo.
Samantala, 3,066 na bagong kaso ang naitala National Capital Region (NCR), na 47% na mataas kumpara sa 2,080 cases na naitala sa sinundan nitong linggo.
Sumampa rin sa 71% ang ICU occupancy rate sa rehiyon na ikinokonsidenrang “high” gayundin ang average daily attack rate (ADAR) nito na nasa 21.95.
Sinundan ito ng Cebu na nakapagtala rin 935 na bagong kaso, na 24% namang pagtaas mula sa 752 cases noong nakaraang linggo.
Ikinokonsidea na ring “high” ang ICU occupancy rate nito na 78% at 18.11 ADAR.
Pumapangatlo naman sa listahan ang Cavite na may 878 new cases na 43% na pagtaas mula sa 615 na naitala noong nakaraang linggo.
Habang “critical” na ang ICU occupancy rate ng lalawigan na nasa 91% at “high” ADAR na 20.39.
Bukod sa Cavite, ilan pang probinsya na mayroong critical ICU occupancy rate ay ang Tarlac (100%); Cagayan (91%); Pampanga (88%) at Misamis Oriental (87%).