Muling umakyat sa 1.5 at patuloy pang tumataas ang coronavirus reproduction ngayon sa bansa ayon sa OCTA Research Team.
Dahil dito, posibleng pumalo sa 16,000 ang naitatalang COVID-19 cases kada araw.
Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, tumaas din ang average daily attack rate sa halos lahat ng lugar ng bansa kung saan pwede pa itong tumaas sa mga susunod na linggo.
Kabilang sa mga lugar na patuloy na tumataas ang kaso ang Cavite, Laguna, Batangas, Pampanga, Rizal, Misamis Oriental at Iloilo Region.
Sa kabila nito, nananatili naman sa 1.9 ang reproduction rate sa Metro Manila kung saan bahagyang bumaba ang naitatalang kaso nitong mga nakalipas na araw.
Facebook Comments