COVID-19 reproduction rate sa NCR, mas bumaba pa!

Mula sa 0.36, bumaba pa sa 0.35 ang reproduction rate o bilis ng hawaan ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) nitong November 29 hanggang December 5, 2021.

Ayon sa OCTA Research, ito na ang pinakamababang reproduction rate na naitala kumpara sa 0.92 na nai-record sa kaparehong araw noong nakaraang taon.

Mas mababa na rin ang daily attack rate nitong nakalipas na linggo na nasa sa 0.79 habang nasa 1.1% na ang positivity rate.


Matatandaang noong nakalipas na linggo ay inilagay na ng OCTA ang Metro Manila classification na “very low risk” dahil sa pagtuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19.

Facebook Comments