Patuloy na tumataas ang reproduction rate ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).
Ang reproduction rate ay tumutukoy sa average na bilang ng mga taong nahawaan ng COVID-19 ng isang tao.
Sa graph mula sa OCTA Research group, makikitang tumaas sa 0.99 ang reproduction rate sa NCR nitong December 11 mula sa 0.88 noong Nobyembre.
Ayon kay Prof. Guido David, pagtaas ng COVID-19 reproduction rate ay maaaring i-ugnay sa paglabas ng mas maraming tao ngayong holiday season.
Tiyak aniyang tataas ito sa 1 sa loob ng isa hanggang dalawang araw.
Oras na lumampas sa 1 ang reproduction rate, nangangahulugan itong kumakalat ang virus.
Facebook Comments