COVID-19 reproduction rate sa NCR Plus Bubble, patuloy sa pagbaba!

Mula sa dating 1.9 percent ay bumaba na ngayon sa 1.24 percent ang reproduction number ng COVID-19 sa National Capital Region Plus Bubble.

Ito ang inilabas na pagtataya ngayon ng OCTA Research Group kasunod ng inaasahang pagtatapos ng dalawang linggong Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila at apat na karatig lalawigan sa Linggo, Abril 11, 2021.

Pero sa interview ng RMN Manila, sinabi ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David na hindi pa niya masabi kung maaari nang luwagan ang quarantine status sa NCR Plus Bubble dahil nananatili pa ring mataas ang utilization rate ng mga pagamutan.


Para sa OCTA, maaaring ibaba ang quarantine restriction ngunit ito ay dapat dahan-dahan lang o ibaba lang sa Modified ECQ.

Bukod sa pagpapa-igting ng contact tracing at testing, ang bakuna pa rin ang nakikitang solusyon ng OCTA para bumaba at tuluyan nang maabot ng Pilipinas ang herd immunity laban sa COVID-19.

Facebook Comments