COVID-19 response, dapat iprayoridad; Bayanihan 3, dapat ipasa – Robredo

Mahalagang iprayoridad ng pamahalaan ang pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Sa kanyang Ulat sa Bayan, sinabi ni Vice President Leni Robredo, na ang bawat pondo, agenda at plano ng pamahalaan ay dapat nakatuon sa pandemic response.

Pinasaringan din ni Robredo ang ilang pulitikong maagang nangangampanya habang bumabangon pa ang bansa sa matinding epekto ng COVID-19.


Sa halip na ang mga mukha nila ang ilagay sa mga billboard at tarpaulins, sinabi ni Robredo na dapat gamitin ang mga ito para turuan ang mga tao sa kung paano maiiwasan ang virus at hikayatin ang mga tao na magpabakuna.

“Kung magpapasa ng mga bagong batas, unahin sana ang pondo at pagpapatibay ng mga sistema laban sa pandemya,” ani Robredo.

Umapela rin ang bise presidente na ipasa ang Bayanihan to Rise as One Act o Bayanihan 3.

Isinusulong din ni Robredo ang pagkakaroon ng integrated system para sa testing, tracing treatment, posibleng realignment ng six tax para sa COVID-19 response, maayos na pagpapatupad ng universal healthcare program, maayos na delivery ng COVID-19 vaccines, pagbibigay ng credit sa mga pasilidad para sa mga maliliit na negosyo, pagbibigay ng tulong sa mga nawalan ng trabaho, at magkaroon ng malawakang retraining opportunities.

Nanawagan din si Robredo na dagdagan ang pondo para itaas ang kalidad ng edukasyon at mabayaran ang utang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa mga ospital.

Sa ngayon, nakatuon si Robredo sa mga programa ng kanyang tanggapan para sa COVID-19 response.

Wala pang desisyon si Robredo kung tatakbo sa mataas na posisyon sa bansa.

Facebook Comments