COVID-19 response efforts ng pamahalaan at Sec. Duque, dinipensahan ni Pangulong Duterte

Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi ang pamahalaan ang kalaban sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Ito ang depensa ni Pangulong Duterte mula sa mga kritiko na wala namang ibinibigay na kongkretong solusyon sa pagtugon sa pandemya.

Sa kaniyang public address, pinagsabihan ng Pangulo ang mga kritiko na gamitin ang utak na ang virus ang kalaban.


Ginagawa na niya at ng pamahalaan ang lahat para makontrol ang outbreak ngunit marami ang hindi sumusunod sa mga inilalatag na patakaran para mapigilan ang pagkalat ng virus.

Nagpahayag din ang Pangulo ng suporta kay Health Secretary Francisco Duque III sa kabila ng mga panawagang magbitiw na siya sa puwesto.

Naniniwala si Pangulong Duterte na walang ginawang mali ang kalihim at patuloy na ginagampanan ang kaniyang trabaho.

Facebook Comments