Nanawagan sa gobyerno si Vice President Leni Robredo na gawing prayoridad sa 2022 national budget ang pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19.
Ayon kay Robredo, mas importante ang pagtugon sa pandemya maging ang pondo para sa allowance at benepisyo ng mga frontliner.
Mungkahi pa ng pangwalang pangulo, araling muli ang mga pondong inilaan para sa ibang departamento at isunod ito sa COVID-19 response ng pamahalaan, pagpapalakas ng kapasidad ng mga ospital, at benepisyo para sa mga frontliner.
Mula Marso noong nakaraang taon hanggang kasalukuyan, abalang-abala ang opisina ni Robredo sa pagtugon sa iba’t ibang pangangailangan ng mga Pilipino sa gitna ng pandemya.
Facebook Comments