Iginiit ni Vice President Leni Robredo na kailangan ng maagap at kongkretong pagtugon sa COVID-19 pandemic.
Sa kanyang talumpati sa “Tara! Mag Tik-Talk Tayo” webinar na isinagawa ng Ateneo de Naga University Center for Local Governance, sinabi ni Robredo na sa pagdaan ng mga buwan, dumarami ang mga nawawalan ng trabaho at kabuhayan, at libu-libo ang nagkakasakit.
Binigyang-diin ni Robredo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng “more loving option” sa konteksto ng pamamahala.
Kailangan ding ipabatid sa mga tao ang mga polisiya, mga desisyon at mga hakbang na gagawin.
Wala aniya dapat sinasayang na panahon at kailangang mahanap ang mga pagkukulang at punuin ito.
Sa panahon ng pandemya, tinuruan ang mga tao na tumulong at ipaabot ang kung ano ang kanilang makakaya.