COVID-19 response ng pamahalaan, dapat muling pag-aralan ayon sa isang kongresista

Pinare-review ni Rizal Rep. Fidel Nograles sa pamahalaan ang kanilang COVID-19 response.

Ito ay matapos sang-ayunan ng kongresista ang obserbasyon ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez na mayroong “inequality” o hindi pantay na alokasyon ng mga bakuna.

Hirit ni Nograles na pag-aralan ng gobyerno ang estratehiya nito sa paglaban sa COVID-19 pandemic partikular na sa alokasyon ng mga bakuna.


Mayroon kasi aniyang mga lugar na bagama’t mataas ang COVID-19 cases ay walang sapat na suplay ng COVID-19 vaccines.

Sinabi ng kongresista na kailangan ng re-evaluation at re-assessment ng vaccine rollout upang matiyak na walang napapabayaan o napagkakaitang mga lugar lalo na ngayong sumirit na rin ang bilang ng impeksyon sa ibang bahagi ng bansa.

Nauna na ring nag-anunsyo ang distrito ng mambabatas na ititigil muna ang pagbabakuna ng first dose ng COVID-19 vaccine dahil ubos na ang suplay ng bakuna matapos unahin ang National Capital Region (NCR).

Facebook Comments