COVID-19 response ng Pasay, dapat magsilbing halimbawa sa iba pang LGUs – MMDA

Pinuri ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang response efforts ng Pasay City government para mapababa ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa kanilang lokalidad.

Ayon kay MMDA Chairperson Benhur Abalos, dapat magsilbing halimbawa sa ibap ang local government units (LGUs) ang best practices ng Pasay.

Nitong March 24, bumaba ang active cases sa lungsod mula sa 987 patungong 902 nitong March 27.


Nitong March 29, bumaba pa ang infections sa 888 cases.

Ang Pasay ay nagpatupad ng granular lockdown sa 136 lugar at total lockdown sa dalawang village.

Pinaigting din ng lungsod ang mass testing sa 17,000 ngayong buwan.

Facebook Comments