COVID-19 response, wala dapat “political colors” – Robredo

Nanindigan si Vice President Leni Robredo na walang lugar ang pulitika sa pagsisilbi sa bayan.

Ang Office of the Vice President (OVP) ay nakipag-partner sa Manila City Government para ilunsad ang Vaccine Express drive para sa mga tricycle, pedicab, at delivery riders sa lungsod.

Layunin ng Vaccine Express na mabakunahan ang maraming tricycle at pedicab drivers, maging ang mga delivery riders.


Nagpapasalamat si Robredo kay Manila Mayor Isko Moreno sa pakikipag-partner sa kanilang tanggapan para sa drive-through vaccination program.

Pinuri rin ni Robredo si Moreno na hindi inuuna ang 2022 elections at mas nakatuon sa COVID-19 response programs.

Para naman kay Mayor Moreno, malugod niyang tatanggapin ang anumang tulong para sa kapakinabangan ng mga Manilenyo.

Bagamat maraming vaccination sites ang Maynila, makakatulong ang vaccine express na maabot ang iba pang mamamayan ng lungsod.

Facebook Comments