COVID-19 restriction sa Spain, ibinalik dahil sa pagtaas ng kaso ng Delta variant

Ibinalik ng Spain ang paghihigpit sa kanilang mga mamamayan matapos tumaas ang kaso ng Delta variant sa kanilang bansa.

Ayon kay Josep Maria Argimon, Public Health Secretary ng Catalonia, umabot sa 80,000 panibagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa lugar kung saan mayorya ay mga kabataan na edad 20 hanggang 29.

Ibabalik naman ang paghihigpit sa mga town halls kasama na ang mga beach at parke at pagbabawal sa malalaking pagtitipon.


Isa ang Spain ang may pinakamalalang naapektuhan ng COVID-19 sa Europe.

Facebook Comments