COVID-19 risk classification sa 13 na rehiyon sa bansa, bahagyang tumaas

Bahagyang tumaas ang COVID-19 risk classification sa 13 na rehiyon sa bansa matapos makapagtala ng positive 2-week growth rate.

Ayon sa Department of Health (DOH) Health Promotion Bureau Director Dr. Beverly Ho, mula sa minimum risk ay nasa low risk na ang Metro Manila, Region 12, CALABARZON, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, Region 9, Ilocos Region, CARAGA, Mimaropa,

Ito ay dahil sa pagtala ng positive 2-week growth rate.


Dagdag pa ni Ho, tumaas din ang positivity rate sa walong rehiyon mula 0.1 hanggang 0.6%

Pero ayon kay DOH Technical Advisory Group Member Dr. Edsel Salvana, mas mababa ito sa inaasahan nilang bilang ng mga madadagdag na mga kaso matapos ang halalan.

Samantala, inirerekomenda naman ni Salvana na dapat manatili pa rin ang testing requirement para sa mga naturukan na ng booster na papasok sa bansa.

Facebook Comments