COVID-19 roadmap at malinaw na katayuan sa WPS, hirit kay Pangulong Duterte bago ito bumaba sa pwesto

Umaasa si Senate President Vicente Sotto III na maghahanda ng isang COVID-19 roadmap at malinaw na katayuan si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa isyu sa West Philippine Sea (WPS).

Kasabay ito ng nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo na magaganap sa July 26.

Ayon kay Sotto, mahalaga ang isang roadmap upang malaman ng susunod na administrasyon kung paano ipagpapatuloy ang paglaban ng bansa sa COVID-19 pandemic.


Habang maliban din aniya ito, kailangan din ng malinaw na impormasyon kung saan lulugar ang Pilipinas sa isyu sa WPS kung saan nagiging marahas ang China.

Sa ngayon, maliban kay Sotto ay humihingi na rin ng update sa vaccination rollout, korapsyon at isyu sa WPS si Senator Risa Hontiveros bago ang nalalapit na pagbaba ni Pangulong Duterte sa pwesto.

Kailangan kasi aniyang malinaw na malaman kung una; nasugpo ba nito ang korapsyon sa gobyerno? Ikalawa, nasaan na ang mga programang maka-mahirap at maka-masa, mula droga hanggang sa nasa gitna ng pandemya ang bansa? Ikatlo, ano ang plano para mas pabilisin pa ang pagpapabakuna sa gitna ng banta ng Delta variant? At ikaapat, sana ay maipahayag na ni Pangulong Duterte ang pagtindig nya laban sa Tsina at sa pambabastos sa ating bayan.

Facebook Comments