COVID-19 saliva test, 99% accurate – PRC

Ibinunyag ng Philippine Red Cross na nakapagtala ang Estados Unidos ng 99-percent detection rate para sa saliva test sa isang milyong subjects nito na sinuri para sa COVID-19.

Ayon kay PRC Biomolecular Laboratories Chief Paulyn Ubial, ang Red Cross, na nagsumite ng sarili nitong trial results para sa saliva test ay naghihintay ng approval sa technology panel ng Department of Health (DOH).

Aniya, mas mura at mas madaling gawin ang saliva test.


Ang COVID-19 testing services ng Red Cross ay magpapatuloy pagkatapos ilunsad ang national immunization program.

Aniya, aabutin pa ng hanggang tatlong taon bago makamit ang herd immunity.

Kaugnay nito, sinabi naman ni PRC Chairperson Senator Richard Gordona na kumokolekta na sila ng samples mula sa mga returning Filipinos mula umuwi galing sa mga bansang may kaso ng bagong variant ng COVID-19.

Dagdag pa ni Gordon, ang samples ay ipinadala na sa Philippine Genome Center para ito ay suriin.

Facebook Comments