COVID-19 saliva testing ng PH Red Cross, nagsimula na

Umarangkada na ang dry run ng Philippine Red Cross (PRC) para sa COVID-19 saliva test, na itinutulak nilang alternatibo sa swab test.

Ayon kay PRC Chairman at Sen. Richard Gordon, aabot sa 1,000 samples mula sa iba’t ibang ospital ang kinakalap ng Red Cross.

Ang proseso, dapat munang i-encode ang personal na impormasyon at pagkatapos, bibigyan ang pasyente ng test kit na may lamang vial at straw.


Sa collection area, dudura sa vial ang pasyente gamit ang straw kung saan kailangan nito ang 1 milliliter na laway na specimen.

Ididiretso ang specimen sa laboratoryo para sa pagsusuri pero bago sumailalim sa test, hindi dapat kumain, uminom, nagmumog, at nanigarilyo sa loob ng 30 minuto.

Giit ni Gordon, aabot sa 95 percent ang concordance rate o pagkapareho ng resulta ng saliva test sa swab test.

Aabot lamang sa tatlo hanggang apat na oras ang turnaround timing saliva testing na inaasahang nagkakahalaga ng P2,000.

Kapag nagbigay na ng go signal ang DOH sa saliva test, tiniyak ng Red Cross na kakayanin nilang magproseso ang mahigit 40,000 sample kada araw.

Facebook Comments