Hindi kasing lala ang COVID-19 situation sa ibang bahagi ng bansa kumpara sa nangyayaring sitwasyon sa NCR+ bubble.
Ito ang pahayag ng Malacañang habang wala pang desisyon kung palalawakin ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa natitirang bahagi ng Luzon.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang surge ng COVID-19 cases ay nangyayari sa National Capital Region (NCR) at apat na kalapit probinsya.
Pero tiniyak ni Roque na patuloy nilang binabantayan ang mga datos sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Una nang sinabi ng Palasyo na marami pa ang kailangang gawin para matugunan ang pandemya.
Sinisikap ng pamahalaan na palakasin ang testing, tracing, isolation at vaccination.
Facebook Comments