Ipinaliwanag ng Malacañang kung bakit isinailalim ang National Capital Region (NCR) sa normal general community quarantine (GCQ) dahil maayos na narerespondehan ng local government units (LGUs) ang COVID-19 crisis.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bumababa ang lebel ng banta sa Metro manila kahit may naitatalang pagtaas ng kaso sa ilang lungsod.
Maganda aniya ang paghawak ng mga LGUs sa public health crisis.
Ang Iloilo City at Iloilo Province ay inilagay sa modified enhanced community quarantine (MECQ) hanggang July 22 dahil tinitingnan pa ang mga datos.
Aalamin sa mga datos kung itataas o luluwagan ang quarantine classifications.
Ganitong paraan din ang gagawin sa Aklan, Bacolod City, Antique, at Capiz na nasa ilalim ng GCQ with heightened restrictions hanggang July 22.