Patuloy na bumababa ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Batay sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH), umabot na sa 3,889,160 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa matapos na madagdagan ng 2,812 na bagong kaso kahapon.
Ito na ang ikalawang sunod na linggo na nakapagtala ang bansa ng mababa sa 3,000 bagong kaso.
Samantala, sa nasabing bilang 23,571 na lamang ang active cases.
Nadagdagan naman ng 52 ang bilang ng nasawi na aabot na sa 61,962.
Nananatili sa 12.4% ang positivity rate mula August 28 hanggang September 2.
Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research Group, bumubuti na ang COVID-19 situation sa bansa.
Pero giit ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, hindi pa stable ang mga nuemro kaya hinimok nito ang publiko na patuloy na mag-ingat.