Tiniyak ng Department of Health (DOH) na ang nararanasang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa iba’t ibang bahagi ng bansa ay nananatiling “manageable.”
Ayon kay Health Undersecretary at Treatment Czar Leopoldo Vega, nasa ‘low-risk’ ang critical care utilization rate sa National Capital Region.
Pero sinabi ni Vega na ang mga siyudad ng Makati at Muntinlupa ay kasalukuyang nasa “high-risk” position pagdating sa ICU bed capacity.
Patuloy din ang pagtaas ng COVID-19 cases sa Visayas at Mindanao partikular sa Western Visayas, Caraga, Zamboanga at Southern Mindanao.
Ang DOH ay nagpadala na ng mechanical ventilators, Bilevel Positive Aiway Pressure (BiPAP) machines, oxygenators sa iba’t ibang ospital sa Visayas at Mindanao para itaas ang critical care capacity.
Hinihikayat ni Vega ang mga local government units (LGUs) na paigtingin ang pagpapatupad ng health protocols.