COVID-19 spike sa Puerto Princesa City, Palawan, isinisi sa IATF

Isinisi ng alkalde ng Puerto Princesa City, Palawan sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang muling pagtaas ng COVID-19 cases sa lungsod.

Tingin ni Mayor Lucilo Bayron, nagsimula ang COVID-19 spike nang ipag-utos ng IATF ang “unified travel protocol” kung saan hindi na require na mag-quarantine ang mga pasahero maliban kung may sintomas.

Sa ngayon, nasa 533 na ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Puerto Princesa.


90 percent na ring puno ang mga ospital at patuloy silang nagdaragdag ng mga isolation facilities.

Facebook Comments