COVID-19 study ng Bloomberg, dapat ikonsidera ng pamahalaan – VP Robredo

Hinimok ni Vice President Leni Robredo sa pamahalaan na pagbutihin ang response efforts matapos maging kulelat ang Pilipinas sa COVID-19 resilience ranking.

Batay sa pag-aaral ng US-base company na Bloomberg, ang Pilipinas ay nasa ika-46 na pwesto mula sa 53 bansa pagdating sa pag-manage ng health crisis.

Matatandaang pinabulaanan ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang report at sinabing ‘inaccurate’ ito at maayos na natutugunan ng pamahalaan ang COVID-19 pandemic sa bansa.


Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo na dapat maging ‘open-minded’ ang gobyerno sa nasabing pag-aaral sa halip na kwestyunin ang accuracy nito.

Dapat gamitin ang Bloomberg study para malaman kung saan pa nagkukulang ang gobyerno sa COVID response at agad na mahanapan ng paraan.

Sa mga bansa sa Asya, ang Pilipinas ang pinakamababa sa listahan.

Facebook Comments