Nababahala si Vice President Leni Robredo na tumaas muli ang kaso ng COVID-19 matapos na luwagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga requirement at protocol para sa pagbiyahe.
Ayon kay Robredo, sang-ayon siya na i-standardize ang travel requirements at protocols pero delikado aniya ang pag-alis sa quarantine at COVID-19 testing.
Inihalimbawa rito ng pangalawang pangulo ang pagkalat ng virus sa mga probinsya matapos na payagang makabiyahe ang mga Locally Stranded Individuals (LSI) mula sa Metro Manila.
Giit pa ni Robredo, sana ay pinag-aralang mabuti ang pagpapaluwag sa travel protocols.
Aniya, bakuna pa rin ang pinaka-susi para tuluyang mabuksan ang ekonomiya.
Facebook Comments