COVID-19 surge, nagaganap na sa buong bansa – OCTA

Ikinabahala ng OCTA Research Group ang nararanasang COVID-19 surge, hindi lamang sa Metro Manila kundi pati sa ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, nakakabahala ang sitwasyon ngayong kumpara noong buwan ng Marso.

Aniya, noong buwan ng Marso at Abril ay nakapagtatala sila ng 10,000 hanggang 11,000 kaso ng COVID-19 kung saan 94 percent nito ay mula sa NCR Plus bubble.


Pero ang pinagkaiba aniya ngayon, nagkakaroon na rin ng pagtaas ng kaso sa buong bansa.

Dahil dito, inirekomenda ng grupo na higit na bigyang pansin ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Tuguegarao City, Cebu City, Western at Central Visayas, Metro Manila, Bulacan, at Cavite.

Giit ni David, kahit na mapababa ang kaso sa Metro Manila dahil sa umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ), kailangan pa ring magpatupad ng pamahalaan ng mas istriktong quarantine protocols sa ibang lalawigan.

Facebook Comments